2 Samuel 4:8
Dinala nila ang ulo ni Isboset kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, “Tingnan mo, ito ang ulo ni Isboset na lalaking anak ni Saul, ang iyong kaaway, na nagbabanta sa iyong buhay. Sa araw na ito pinaghigantihan ni Yahweh na ating panginoon si haring si Saul at kaniyang mga kaapu-apuhan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 18:11Inihagis ni Saul ang sibat, sapagkat iniisip niya, “Aking itutusok si David sa dingding.” Ngunit tumakas si David mula sa presensiya ni Saul dalawang ulit sa ganitong paraan.
1 Samuel 19:2Kaya sinabi ni Jonatan kay David, “gusto kang patayin ng aking amang si Saul. Kaya maging handa sa umaga at magtago sa isang lihim na lugar.
1 Samuel 20:1Pagkatapos tumakas si David mula Naiot sa Rama at dumating at sinabi kay Jonatan, “Ano ang nagawa ko? Ano ang aking kasamaan? Ano ang kasalanan ko sa harap ng iyong ama, na gustong kunin ang aking buhay?”
1 Samuel 24:4Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Ito ang araw na sinabi ni Yahweh na sinabi niya sa iyo, 'Ibibigay ko sa iyong kamay ang iyong kaaway, upang gawin mo ang nais mong gawin sa kanya.”' Pagkatapos umakyat si David at tahimik na gumapang pasulong at pinutol ang gilid ng balabal ni Saul.
2 Samuel 18:19Pagkatapos sinabi ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok, “Pahintulutan mo akong tumakbo ngayon sa hari dala ang mabuting balita, kung paano siya iniligtas ni Yahweh mula sa kaniyang mga kaaway.”
2 Samuel 22:48Ito ang Diyos na nagsasagawa ng paghihiganti para sa akin, ang siyang nagdadala pababa sa mga tao sa ilalim ko.