2 Samuel 5:2
Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.'''
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 9:16“Bukas sa mga ganitong oras ipapadala ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at papahiran mo siya ng langis para maging prinsipe ng aking bayang Israel. Ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil naawa ako sa aking bayan sapagkat nakarating sa akin ang paghinigi nila ng tulong sa akin.”
1 Samuel 16:1Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
1 Samuel 18:5Pumupunta si David saan man siya ipadala ni Saul at nagtatagumpay siya. Itinalaga siya ni Saul bilang pinuno sa kalalakihang mandirigma. Nakakalugod ito sa paningin ng lahat ng tao at sa paningin din ng mga lingkod ni Saul.
1 Samuel 18:16Pero minahal ng buong Israel at Juda si David dahil lumalabas siya at pumunta sa kanilang harapan.
1 Samuel 25:30At mangyari ito, nang matapos gawin ni Yahweh ang lahat ng mabuting mga bagay para sa aking panginoon na kanyang ipinangako sa iyo, at nang ginawa ka niyang pinuno sa buong Israel,
2 Samuel 7:7Sa lahat ng lugar kung saan lumilipat ako kasama ang lahat ng tao ng Israel, may nasabi ba akong anumang bagay sa sinuman sa mga pinuno ng Israel na hinirang ko para pangalagaan ang aking mga lahing Israel, sinasabing, “Bakit hindi mo ako ginawan ng isang bahay na cedar?"”'