2 Samuel 6:12
Ngayon sinabihan si Haring David, “Pinagpala ni Yahweh ang bahay ni Obed Edom at lahat ng bagay na pag-aari niya dahil sa kaban ng Diyos.” Kaya pumunta si David at dinala ang kaban ng Diyos mula sa bahay ni Obed Edom patungo sa lungsod ni David nang may kagalakan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 8:3Ang lahat ng nakatatanda ng Israel ay dumating, at ang mga pari ang kumuha ng arko.
1 Chronicles 15:1Nagpatayo si David ng mga bahay para sa kaniyang sa lungsod ni David. Siya ay naghanda ng isang lugar para sa kaban ng Diyos at nagtayo ng tolda para dito.
1 Chronicles 15:25Kaya pumunta sina David, ang mga nakatatanda sa Israel at ang mga pinuno sa libu-lubo upang ilabas sa bahay ni Obed-edom ang kaban ng tipan ni Yahweh na may kagalakan.
1 Chronicles 26:4May mga anak na lalaki si Obed Edom: Si Semaias ang panganay, si Jehozabad ang ikalawa, si Joa ang ikatlo, at si Sacar ang ikaapat, at si Natanel ang ikalima,
Psalms 24:7Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan, para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok!
Psalms 132:6Tingnan mo, narinig namin ang tungkol dito sa Efrata; natagpuan namin ito sa bukirin ng Jaar.