2 Samuel 6:20
Pagkatapos bumalik si David para pagpalain ang kaniyang pamilya. Dumating si Mical, ang babaeng anak ni Saul, para salubungin si David at sinabi, “Labis na pagpaparangal ang hari ng Israel sa araw na ito, na hinubaran ang kaniyang sarili sa harapan ng mga mata ng mga babaeng alipin na kaniyang mga lingkod, katulad ng isang taong walang hiya na hindi nahihiyang hubaran ang kaniyang sarili!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 24:15Kung tila mali ito sa inyong mga paningin para sambahin ninyo si Yahweh, kayo na mismo ang pumili ngayong araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, kung ang mga diyos na sinamba ng inyong mga ninuno sa ibayo ng Eufrates o ang mga diyos ng mga Amoreo, kung saang lupain kayo naninirahan. Pero para sa akin at sa aking sambahayan, sasambahin namin si Yahweh.”
1 Samuel 18:20Pero minahal ni Mical, na anak na babae ni Saul si David. Sinabihan nila si Saul at nakalugod ito sa kanya.
2 Samuel 6:14Sumayaw si David sa harapan ni Yahweh nang ng kaniyang buong kalakasan; nagsuot lamang siya ng isang linong epod.
2 Samuel 6:18Nang matapos si David sa pag-aalay ng sinunog na mga handog at mga handog para sa pagtitipon-tipon, pinagpala niya ang mga tao sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo.
Nehemiah 4:3Si Tobias na Ammonita ay kasama niya, at sinabi niya, “Kung ang isang asong-gubat ay aakyat sa kanilang itinatayo, maaaring ikabagsak ito ng kanilang pader na bato!”
Psalms 30:1Itinataas kita, Yahweh, dahil ibinangon mo ako at hindi pinahintulutan ang aking mga kalaban na magalak dahil sa akin.