2 Samuel 8:12
mula sa Aram, Moab, mga bayan ng Ammon, mga taga-Filisteo, at Amalek, kasama ang lahat ng mga gamit na nakuha sa panloloob ni Hadadezer na anak na lalaki ni Rehob, ang hari ng Soba.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 27:8Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan (Paalala: Sa halip ng “Gizrita, na makikita sa sulat ng Hebreo, ilang bagong mga bersyon ay ang Girzita, na makikita sa sulat ng Hebreo)
2 Samuel 5:17Ngayon nang mabalitaan ng mga Filisteo na nahirang na si David bilang hari ng buong Israel, lumabas silang lahat para makita siya. Pero nabalitaan ni David ito at bumaba siya sa kuta.
2 Samuel 10:11Sinabi ni Joab, “Kung mas malalakas ang mga Arameo para sa akin, kung gayon ikaw Abisai ang dapat magligtas sa akin. Pero kung mas malalakas ang hukbo ng Ammon para sa iyo, sa gayon pupunta ako at ililigtas ka.
2 Samuel 12:26Ngayon, nakipaglaban si Joab sa Rabba, ang maharlikang lungsod ng mga tao ng Ammon at nabihag niya ang kuta nito.