2 Samuel 8:14
Inilagay niya ang mga kuta sa buong Edom, at naging lingkod niya ang lahat ng mga taga-Edom. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya nagtungo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 25:23Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan, at dalawang bayan ang mahihiwalay mula sa iyong loob. Isang bayan ang magiging mas malakas kaysa sa isa, at ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata.”
Genesis 27:37Sumagot si Isaac at sinabi kay Esau, “Tingnan mo, nagawa ko na siyang amo mo at naibigay ko na sa kanya ang lahat ng mga kapatid niya bilang alipin. At nabigyan ko siya ng butil at bagong alak. Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?”
Numbers 24:18At ang Edom ay magiging pag-aari ng Israel, at ang Seir ay magiging pag-aari rin nila, ang mga kaaway ng Israel, na masasakop ng Israel sa pamamagitan ng dahas.
2 Samuel 7:9Sasamahan kita saan ka man pumunta at tinalo ko ang lahat ng iyong mga kaaway mula sa iyong harapan. At gagawa ako ng isang dakilang pangalan para sa iyo, kagaya ng pangalan ng mga dakilang nasa sanlibutan.
1 Kings 11:15Noong si David ay nasa Edom, si Joab na pinuno ng mga kawal ay nagpunta para ilibing ang mga patay, bawat taong napatay sa Edom.
1 Kings 22:48Gumawa ng pangkaragatang barko si Jehoshafat; Pupunta sila sa Ofir para sa ginto, pero hindi sila natuloy dahil ang mga barko ay nawasak sa Ezion Geber.