2 Samuel 9:6
Kaya nagtungo si Mefibosheth kay David anak na lalaki ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul at iniyuko ang kaniyang mukha sa lupa para gumalang kay David. Sinabi ni David, “Mefiboshet.” Sumagot siya, “Ako ang inyong lingkod!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:2Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
1 Samuel 20:41Pagkaalis na pagkaalis ng binata, tumayo si David mula sa likod ng isang tambak ng lupa, nagpatirapa sa lupa at yumuko ng tatlong beses. Hinalikan nila ang isa't-isa at magkasamang umiyak, na si David ang mas malakas ang pag-iyak.
2 Samuel 1:7Tumalikod si Saul at nakita ako at tinawag niya ako. Sumagot ako, 'Nandito ako.'
2 Samuel 19:24Pagkatapos bumaba si Mefiboset anak na lalaki ni Saul para makipag-kita sa hari. Hindi niya sinuotan ang kaniyang mga paa, o pinutulan ang kaniyang balbas, o nilabhan ang kaniyang mga damit simula ng araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siya ng bahay ng mapayapa.
2 Samuel 21:7Pero iniligtas ng hari si Mefiboset anak na lalaki ni Jonatan anak na lalaki ni Saul, dahil sa sinumpaan ni Yahweh sa pagitan nila, sa pagitan ni David at Jonatan anak na lalaki ni Saul.
1 Chronicles 9:40Anak ni Jonatan si Merib-baal na ama naman ni Mica.