2 Tesalonica 1:3
Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana;
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
Cross References
Psalms 84:7Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
Proverbs 4:18Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
Luke 15:32Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan.
John 15:2Ang bawa't sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.
1 Corinthians 1:4Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;
Philippians 1:7Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.