2 Timoteo 3:8
Sa ganoon ding paraan na tulad ni Janes at Jambres na sumalungat kay Moises. Sa paraang ito ang mga bulaang tagapagturo ay sumalungat din sa katototohanan. Sila ang mga kalalakihan na nasira ang kaisipan, hindi sang-ayon sa pananampalataya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 7:22Pero ang mga salamangkero ng Ehipto ay gumawa ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka. Kaya ang puso ni Paraon ay tumigas, at tumanggi siyang makinig kay Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
Exodus 8:18Ang mga salamangkero ay nagsubok gamit ang kanilang salamangka para makagawa ng niknik, pero hindi sila nakagawa. May mga niknik sa mga tao at mga hayop.
Jeremiah 28:1Nangyari ito sa taong iyon, sa simula ng paghahari ni Zedekias na hari ng Juda, sa ika-apat na taon at sa ika-limang buwan, si Ananias na anak ni Azur na propeta, na mula sa Gibeon ay nagsalita sa akin sa tahanan ni Yahweh sa harap ng mga pari at sa lahat ng mga tao. Sinabi niya,
Acts 13:8Ngunit kinalaban sila ni Elimas “ang salamangkero” (ganito isinalin ang kaniyang pangalan); tinangka niyang paikutin ang gobernador na mapalayo mula sa pananampalataya.
Romans 1:28Dahil ayaw nilang magkaroon ng Diyos sa kanilang kamalayan, hinayaan niya sila sa mahahalay na pag-iisip, upang gawin nila ang mga bagay na hindi nararapat.
2 Corinthians 11:13Sapagkat ang mga ganoong tao ay hindi totoong apostol at mapanlinlang na mga manggagawa. Sila ay nagpapanggap na mga apostol ni Cristo.