3 Juan 1:10
Samakatuwid, kung ako ay pupunta, aalalahanin ko ang mga gawaing kaniyang ginawa, kung paano siyang nagsabi ng mga katawa-tawang bagay laban sa atin gamit ang mga masasamang salita. Hindi pa nasiyahan sa mga gawaing ito, siya mismo ay hindi tinanggap ang mga kapatid na lalaki. Ipinagbabawal niya ang mga nagnanais na gumawa nito at pinapalayas sila sa kapulungan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 10:10Siya na kumikindat ang mata ay nagdudulot ng kalungkutan, ngunit ang isang madaldal na hangal ay masisira.
Luke 6:22Pinagpala kayo kung kayo ay kinamumuhian ng mga tao at kung kayo ay ihinihiwalay at itinuturing ang inyong pangalan na masama alang-alang sa Anak ng Tao.
John 9:34Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Ikaw ay pawang ipinanganak sa mga kasalanan, at tinuturuan mo kami ngayon?” Pagkatapos ay pinalabas nila siya sa sinagoga.
2 Corinthians 10:1Akong si Pablo, ay nananawagan sa inyo, sa kababaang loob at kahinahunan ni Cristo. Ako ay mapagpakumbaba kapag ako ay nasa harap ninyo, ngunit matapang ako sa inyo kapag nasa malayo ako.
3 John 1:5Minamahal, ikaw ay nagsasagawa ng katapatan tuwing ikaw ay gumagawa para sa iyong mga kapatid na lalaki at para sa mga hindi kilala,