Acts 1:14
Sama-sama silang nagkakaisa habang patuloy silang masigasig na nananalangin. Kasama rito ang mga kababaihang sina Maria na ina ni Jesus at ang kaniyang mga kapatid.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Sa mga araw na iyon, tumayo si Pedro sa kalagitnaan ng mga kapatid, na halos 120 katao at sinabi,
Cross References
Matthew 12:46Habang nagsasalita pa si Jesus sa napakaraming tao, masdan ito, ang kaniyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, hinahanap siya upang kausapin.
Matthew 18:19Dagdag pa nito, sinasabi ko sa inyo, na kung ang dalawa sa inyo ay sumang-ayon sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling, mangyayari ito sa kanila sa pamamagitan ng aking Amang nasa langit.
Matthew 27:55At maraming mga kababaihan na sumunod kay Jesus mula sa Galilea upang mag-aruga sa kaniya ay naroon at nakatinggin sa di kalayuan.
Mark 15:40Mayroon ding mga babaing nakatingin sa malayo. Kabilang sa kanila ay sina Maria Magdalena, Maria (ang ina ni Santiago na nakababata at ni Jose), at si Salome.
Luke 8:2at gayundin ang mga ilang kababaihan na napagaling mula sa mga masasamang espiritu at mga karamdaman. Sila ay sina Maria na tinatawag na Magdalena, na mula sa kaniya ay pitong demonyo ang pinalayas,
Luke 11:13Kaya, kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama mula sa langit na ibibigay ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kaniya?”