Acts 1:9
Nang sabihin ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito, habang nakatingala sila, siya ay itinaas, at itinago siya ng ulap mula sa kanilang mga mata.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:9Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Lalapit ako sa iyo sa isang makapal na ulap para maaaring marinig ng mga tao kapag ako ay nakikipag-usap sa iyo at maaari ring maniwala sila sa iyo habang panahon.” Pagkatapos, inilahad ni Moises ang salita ng mga tao kay Yahweh.
Psalms 68:18Naitanghal ka; pinalaya mo ang mga bihag; at tumanggap ka ng mga kaloob mula sa mga tao, maging sa mga lumaban sa iyo, nang sa gayon ikaw, Panginoong Diyos, ay manahan doon.
Daniel 7:13Sa aking pangitain nang gabing iyon, nakita ko ang isang dumarating kasabay ang mga ulap ng langit tulad ng isang anak ng tao. Lumapit siya sa Sinaunang mga Araw at iniharap siya sa kaniya.
Luke 21:27At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
John 6:62Kung ganoon, paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na umaakyat papunta sa dati niyang kinaroroon?
Ephesians 4:8Katulad ng sinabi sa kasulatan: “Noong umakyat siya sa itaas, dinala niya ang mga bihag sa pagkabihag. Nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao.”