Acts 12:6
Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 22:14Kaya tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na, “Si Yahweh ang magbibigay,” at tinatwag din hanggang sa araw na ito, “Sa bundok ni Yaweh, ito ay ibibigay.”
1 Samuel 23:26Pumunta si Saul sa isang panig ng bundok, at pumunta si David at ang kanyang mga tauhan sa kabilang panig ng bundok. Nagmadaling tumakas si David mula kay Saul. Habang nakapalibot sina Saul at kanyang mga tauhan kay David at kanyang mga tauhan upang dakpin sila,
Psalms 4:8Sa kapayapaan, ako ay hihiga at matutulog, dahil tanging ikaw, Yahweh, ang nagliligtas at nagpapatiwasay sa akin.
Jeremiah 40:4Ngunit tingnan mo ngayon! Pinakawalan kita sa araw na ito mula sa mga kadenang nasa iyong mga kamay. Kung mabuti sa iyong paningin na sumama sa akin sa Babilonia, halika, at aalagaan kita. Ngunit kung hindi mabuti sa iyong paningin ang sumama sa akin sa Babilonia, kung gayon huwag mong gawin. Tumingin ka sa lahat ng lupaing nasa iyong harapan. Pumunta ka kung saan mabuti at tama sa iyong paninging puntahan.”
Acts 5:23“Natagpuan namin na maingat na nakasarado ang bilangguan at ang mga bantay ay nakatayo sa pintuan, ngunit nang aming buksan ay wala kaming nakita.”
Acts 28:20Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.