Acts 17:6
Ngunit nang hindi nila sila matagpuan, kinaladkad nila si Jason at ang iba pang mga kapatid sa harapan ng mga pinuno ng lungsod na sumisigaw “Pumunta rito ang mga lalaking ito na nagdulot ng kaguluhan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:8Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Jeremiah 38:2“Sinasabi ito ni Yahweh: Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay papatayin sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot. Ngunit makakaligtas ang sinumang lalabas sa mga Caldeo. Tatakas siya at mabubuhay.
Matthew 24:14Itong ebanghelyo ng kaharian ay ipangangaral sa buong mundo bilang patotoo sa lahat ng mga bansa. At pagkatapos nito darating na ang katapusan.
Acts 6:12Inudyukan nila ang mga tao, ang mga matatanda, at ang mga eskriba, at hinarap nila si Esteban, sinunggaban siya, at dinala sa konseho.
Acts 18:12Ngunit nang si Galio ay naging Gobernador ng Acaya, sama-samang nag alsa ang mga Judio laban kay Pablo at dinala siya sa harap ng hukuman;
Acts 22:22Pinahintulutan siya ng mga tao na magsalita hanggang sa puntong ito. Ngunit pagkatapos nagsigawan sila at nagsabing, “Alisin ang taong ito sa lupa: sapagkat hindi siya nararapat na mabuhay.”