Acts 18:6
Nang hindi sumang-ayon ang mga Judio at siya ay nilait, pinagpag ni Pablo sa kanila ang kaniyang kasuotan at sinabi sa kanila, “Ang inyong dugo ay sumainyong sariling mga ulo; wala akong kasalanan. Simula ngayon sa mga Gentil na ako pupunta.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 20:9Ang lahat na sumusumpa sa kanyang ama o sa kanyang ina ay tiyak na papatayin. Isinumpa niya ang kanyang ama o ang kanyang ina, kaya siya ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
2 Samuel 1:16Pagkatapos sinabi ni David sa namatay na taga-Amalek, “Ang iyong dugo ay nasa iyong ulo dahil ang iyong sariling bibig ay naging saksi laban sa iyo at sa sinabi mo, 'Pinatay ko ang hinirang na hari ni Yahweh.”'
Ezekiel 3:18Kapag sinabi ko sa masama, 'Tiyak na mamamatay ka' at hindi mo siya binigyan ng babala o nagsabi ng isang babala sa masama tungkol sa kaniyang masamang mga gawa upang siya ay mabuhay—mamamatay ang masama sa kaniyang kasalanan, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo.
Ezekiel 33:4Kung marinig ito ng mga tao at hindi nila binigyang pansin, at kung dumating ang espada at pinatay silang lahat, at ang dugo ng bawat isa ay nasa sarili na nitong ulo.
Matthew 8:11Sinasabi ko sa inyo, maraming darating mula sa silangan at kanluran at sila ay sasandal sa mesa ni Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.
Matthew 21:43Kaya sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin niya sa inyo at ibibigay sa ibang bansa na mag-aalaga sa mga bunga nito.