Acts 2:2
Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar.
3Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila.
Cross References
1 Kings 19:11Sumagot si Yahweh, “Lumabas ka at tumayo sa bundok sa aking harapan.” Pagkatapos dumaan si Yahweh, at isang napakalakas na hangin ang humampas sa mga bundok at pinagpira-piraso ang mga bato sa harapan ni Yahweh, pero si Yahweh ay wala sa hangin. Pagkatapos ng malakas na hangin, isang lindol ang dumating, pero wala si Yahweh sa lindol.
Song of Solomon 4:16Gumising ka, hanging hilaga; lumapit ka hanging timog; umihip ka sa aking hardin para itong mga sangkap ng pabango ay maaaring maglabas ng kanilang halimuyak. Nawa ang aking minamahal ay pumarito sa kaniyang hardin at kumain ng ilang piling bunga nito.
Ezekiel 3:12Pagkatapos, itinaas ako ng Espiritu, at nakarinig ako ng tunog sa aking likuran na tulad ng isang malakas na lindol, na nagsasabi, “Pagpalain ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa kaniyang lugar!”
Malachi 3:1“Tingnan ninyo, malapit ko ng isugo ang aking mensahero at ihahanda niya ang daan sa harapan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang darating sa kaniyang templo; at ang mensahero ng tipan na iyong kinaluluguran, tingnan ninyo, dumarating siya,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
John 3:8Umiihip ang hangin kung saan niya gusto. Naririnig ninyo ang huni nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan ito nagmula o kung saan ito pupunta. Gayon din naman ang sinumang isilang sa Espiritu.”
Acts 16:25Nang maghahating gabi na sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig ang ibang bilanggo sa kanila.