Acts 2:37
Nang marinig nila ito, nadurog ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa iba pang mga apostol, “Mga kapatid, ano ba ang dapat naming gawin?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezekiel 7:16Ngunit ang ilang mga nakaligtas ay tatakas mula sa kanila at pupunta sila sa mga bundok. Tulad ng mga kalapati sa mga lambak, mananaghoy silang lahat—bawat tao dahil sa kaniyang kasalanan.
Luke 3:10At ang maraming tao ay nagtanong sa kaniya, nagsasabi “Ano ang dapat naming gawin?”
Luke 3:14May ilang mga kawal rin ang nagtanong sa kaniya, nagsasabi, “At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila. “Huwag kayong kumuha ng salapi kanino man nang sapilitan, at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo. Masiyahan kayo sa inyong mga sahod.”
John 16:8Sa kaniyang pagdating, ipahahayag ng Mangaaliw sa mundo tungkol sa kasalanan, tungkol sa katuwiran at tungkol sa paghuhukom—
Acts 5:33Nang marinig ito ng mga kasapi ng konseho, galit na galit sila at ninais na patayin ang mga apostol.
Acts 9:5Sumagot si Saulo, “Sino kayo Panginoon? “Sumagot ang Panginoon, “Ako si Jesus na iyong inuusig;