Acts 2:7
Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan?
Cross References
Matthew 4:18Habang naglalakad si Jesus sa Dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat sila ay mga mangingisda.
Matthew 26:73At pagkalipas ng ilang sandali ay lumapit kay Pedro ang mga nakatayo doon at sinabi, “Tiyak na ikaw rin ay isa sa kanila, sapagkat halatang-halata ka sa iyong pananalita.”
Mark 2:12Bumangon siya at kaagad kinuha ang kaniyang higaan at lumabas siya sa bahay na iyon sa harap ng lahat, kaya't silang lahat ay namangha at niluwalhati ang Diyos, at kanilang sinabi, “Kailanman ay hindi pa kami nakakita ng katulad nito.”
Acts 1:11Sinabi nila, “Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo dito na nakatingin sa langit? Itong Jesus na umakyat sa langit ay babalik rin sa paraang katulad ng nakita ninyo na pagpunta niya sa langit.”
Acts 3:10Nakilala nila na ito ang lalaking nakaupo at tumatanggap ng limos sa may Magandang Pintuan ng templo, at labis silang nagtaka at namangha dahil sa nangyari sa kaniya.