Acts 20:21
Alam ninyo na lagi kong binabalaan ang mga Judio at mga Griego tungkol sa pagsisisi sa Diyos at pananalig sa ating Panginoong Jesus.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezekiel 18:30Kaya hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong kaparaanan, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Magsisi kayo at talikuran ninyo ang lahat ng inyong mga pagsalangsang upang ang mga ito ay hindi maging kasalanan na katitisuran laban sa inyo.
Matthew 4:17Mula nang panahong iyon, nagsimulang mangaral si Jesus at sinasabi, “Magsisi na kayo, sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”
Mark 1:15at sinasabi, “Ang panahon ay naganap na, at ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Magsisi kayo at maniwala sa ebanghelyo.”
Luke 13:3Hindi, sinasabi ko sa inyo. Ngunit kung hindi kayo magsisisi, mamamatay kayong lahat sa ganoon ding paraan.
Luke 15:7Sinasabi ko sa inyo na gayon din, magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisisi, higit pa sa siyamnapu't siyam na taong matuwid na hindi kailangang magsisi.
Luke 24:47At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.