Acts 20:28
Kaya mag-ingat kayo sa inyong mga sarili, at tungkol sa mga kawan na pinamahala ng Banal na Espiritu sa inyo. Pag-ingatan ninyo ang kawan sa kapulungan ng Panginoon, na tinubos ng kaniyang sariling dugo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
27Dahil hindi ko ipinagkait sa inyo ang pagpapahayag ng lahat ng kalooban ng Diyos.
Cross References
Psalms 74:2Alalahanin mo ang iyong bayan, na iyong tinubos noong sinaunang panahon, na iyong binili para maging sarili mong pamana, at sa Bundok ng Sion, kung saan ka nananahan.
Proverbs 10:21Ang mga labi ng isa na gumagawa ng tama ay nagpapalusog ng marami, ngunit ang mga mangmang ay mamamatay dahil sa kakulangan ng kanilang pang-unawa.
Isaiah 40:11Papakainin niya ang kaniyang kawan tulad ng isang pastol, titipunin niya ang mga tupa sa kaniyang bisig, at dadalhin sila ng malapit sa kaniyang puso, at dahan-dahang pangungunahan ang mga babaing tupa na inaalagaan ang kanilang anak.
Isaiah 63:11Naalala ng kanyang bayan ang tungkol sa sinaunang panahon ni Moises. Sinabi nila, “Nasaan ang Diyos, na naglabas sa kanila sa dagat kasama ang mga pastol ng kanyang kawan? Nasaan ang Diyos na naglagay sa kanila ng kanyang Banal na Espiritu?
Jeremiah 13:17Kaya, kung hindi kayo makikinig, iiyak akong mag-isa dahil sa inyong kayabangan. Tiyak na iiyak ako at dadaloy ang mga luha mula sa aking mga mata, sapagkat mabibihag ang mga kawan ni Yahweh.
Jeremiah 31:10“ Dinggin ninyo mga bansa ang salita ni Yahweh. Ibalita sa mga baybayin na nasa kalayuan. Kayong mga bansa, dapat ninyong sabihin, “Ang nagkalat sa Israel ang nagtitipon at nag-iingat sa kaniya kagaya ng pag-iingat ng isang pastol sa kaniyang tupa”