Acts 20:7
Sa unang araw ng linggo, nang kami ay nagtipun-tipon upang pagpira-pirasuhin ang tinapay, nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya. Binabalak niyang umalis kinabukasan, kaya patuloy siyang nagsalita hanggang hating gabi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8May maraming mga ilawan sa itaas ng silid kung saan kami nagtipun-tipon.
Cross References
Nehemiah 9:3Tumayo sila sa kanilang mga lugar, at sa ika-apat na araw nagbasa sila mula sa Aklat ng Batas ni Yahweh na kanilang Diyos. Sa isa pang ika-apat na araw sila ay nagtatapat at yumuyuko sa harap ni Yahweh na kanilang Diyos.
Luke 22:19Pagkatapos, kinuha niya ang tinapay at nang makapagpasalamat, hinati-hati niya ito, at ibinigay sa kanila, sinasabi, “Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”
John 20:1Ngayon madaling araw ng unang araw ng linggo habang madilim pa, nagpunta si Maria Magdalena sa libingan; nakita niya na naigulong ang bato malayo sa libingan.
John 20:26Pagkalipas ng walong araw, muling nasa loob ang mga alagad at si Tomas ay kasama nila. Dumating si Jesus habang ang mga pinto ay nakasara, tumayo sa gitna nila at sinabi, “Nawa ang kapayapaan ay sumainyo.”
Acts 2:46Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso.
Acts 20:11Pagkatapos umakyat siya sa itaas at pinag-piraso ang tinapay at kumain. Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanila hanggang madaling-araw, siya ay umalis.