Acts 21:9
Ngayon ang taong ito ay may apat na anak na babaeng birhen na nagpapahayag ng propesiya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And the same man had four daughters, virgins, which did prophesy.
In Context
Cross References
Exodus 15:20Si Miriam, ang babaeng propeta, na kapatid na babae ni Aaron, ay dumampot ng tamburin, at lumabas ang lahat ng mga kababaihan na may mga tamburin, sabay na sumasayaw kasama niya.
2 Kings 22:14Kaya pumunta sina Hilkias ang pari, Ahikam, si Akbor, Safan at Asaias kay Hulda ang babaeng propeta, ang asawa ni Sallum anak ni Tikva anak ni Harhas, tagapag-ingat ng mga kasuotan ng mga pari (nanirahan siya sa Jerusalem sa ikalawang purok), at nagsalita sila sa kaniya.
Joel 2:28At mangyayari pagkatapos, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman, at maghahayag ng propesiya ang inyong mga anak na lalaki at babae. Mananaginip ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.
Acts 2:17'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki.
1 Corinthians 7:25Ngayon tungkol sa mga hindi nag-aasawa, ako ay walang kautusan galing sa Panginoon. Ngunit ako ay may iminumungkahi sa inyo bilang mapagkatiwalaan ng dahil sa awa ng Panginoon.
1 Corinthians 11:4Sinumang lalaki ang mananalangin at magpapahayag ng propesiya na may takip ang kaniyang ulo ay hindi niya ginagalang ang kaniyang ulo.