Acts 22:12
Doon nakilala ko ang isang lalaki na nagngangalang Ananias, isang tapat na tao na sumusunod sa kautusan at maganda ang sinasabi patungkol sa kaniya ng mga Judio na nakatira doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Luke 2:25Masdan ito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang taong ito ay matuwid at may taos na pananalig. Siya ay naghihintay sa manga-aliw ng Israel, at ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya.
Acts 8:2Mga lalaking may takot sa Diyos ang naglibing kay Esteban at nagkaroon ng matinding pagdadalamhati para sa kaniya.
Acts 10:22Sinabi nila, “Ang senturion na nagngangalang Cornelio, isang matuwid na tao at sumasamba sa Diyos, at mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng lahat ng mga Judio sa bansa, ay sinabihan ng isang banal na anghel ng Diyos na papuntahan ka para isama ka sa kaniyang bahay, upang siya ay makinig ng mensahe mula sa iyo.”
2 Corinthians 6:8Gumagawa kami sa karangalan at kahihiyan, sa panlalait at papuri. Kami ay napagbintangan na sinungaling ngunit kami ay matapat.
Hebrews 11:2Sapagkat sa pamamagitan nito pinagtibay ang ating mga ninuno dahil sa kanilang pananampalataya.