Acts 24:1
Pagkaraan ng limang araw, pumunta roon si Ananias na pinakapunong pari, ilang mga nakatatanda, at ang mananalumpati na nagngangalang Tertulo. Nagdala ng mga bintang ang mga kalalakihang ito sa gobernador laban kay Pablo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 11:2Tingnan mo! Inihahanda ng mga masasama ang kanilang mga pana. Inihahanda nila ang kanilang mga palaso sa tali para panain sa dilim ang pusong matuwid.
Acts 12:21Nang dumating ang takdang araw, nagbihis si Herodes ng marangyang kasuotan at umupo sa trono; nagsalita siya sa kanila.
Acts 23:2Inutusan ng pinakapunong pari na si Ananias ang mga nakatayo sa tabi niya na sampalin siya sa kaniyang bibig.
Acts 23:30Pagkatapos naibalita sa akin na mayroon silang masamang balak laban sa lalaki, kaya agad-agad ko siyang pinadala sa iyo, at ipinagbilin din sa mga nag-aakusa sa kaniya na dalhin ang kanilang mga reklamo laban sa kaniya sa iyong harapan. Paalam.”
Acts 24:11Mapapatunayan mo na hindi pa aabot sa labindalawang araw mula ng ako ay umakyat sa Jerusalem upang sumamba;
Acts 25:15Nang ako ay nasa Jerusalem, ang mga pinunong pari at mga nakatatanda sa mga Judio ay nag harap sa akin ng mga bintang laban sa taong ito, at humihingi sila ng kahatulan laban sa kaniya.