Acts 24:16
at dahil dito, pinagsisikapan ko na magkaroon ng budhing walang kapintasan sa lahat ng mga bagay sa harapan ng Diyos at sa mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Romans 2:15Sa pamamagitan nito, ipinapakita nila na ang mga gawang hinihingi ng kautusan ay nakasulat sa kanilang mga puso. Pinatotohanan din ito ng kanilang mga budhi, at pinararatangan o ipinagtatanggol sila ng kanilang isipan sa kanilang sarili
1 Corinthians 4:4Wala akong nalalaman na anumang sakdal laban sa akin ngunit hindi nangangahulugang ako ay walang sala. Ang Panginoon ang siyang hahatol sa akin.
2 Corinthians 4:2Sa halip, itinakwil pa namin ang mga kaparaanan na kahiya-hiya at nakatago. Hindi kami namumuhay sa pandaraya, at hindi namin ginagamit sa maling paraan ang salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan, iminumungkahi namin ang aming sarili para sa budhi ng lahat sa paningin ng Diyos.
1 Timothy 1:5Ngayon ang layunin ng kautusan ay pag-ibig mula sa isang dalisay na puso, mula sa isang mabuting budhi, at mula sa tapat na pananampalataya.
1 Timothy 3:9Dapat nilang ingatan ang naipahayag na katotohanan ng pananampalataya na may malinis na budhi.
Titus 1:15Sa yaong mga dalisay, lahat ng mga bagay ay dalisay. Ngunit sa yaong mga marumi at hindi naniniwala ay walang kadalisayan. Sapagkat ang kanilang mga pag-iisip at mga budhi ay madumi.