Acts 5:16
Mayroon ding maraming bilang ng mga tao ang dumating mula sa mga bayan sa palibot ng Jerusalem, dinadala ang mga may sakit at mga pinapahirapan ng maruming mga espiritu, at silang lahat ay gumaling.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 8:16Nang sumapit ang gabi, dinala ng mga tao kay Jesus ang maraming taong sinapian ng mga demonyo. Pinalayas niya ang mga espiritu sa pamamagitan ng salita at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.
Mark 2:3At may ilang lalaking pumunta sa kaniyang may dalang paralisadong lalaki; apat na tao ang bumuhat sa kaniya.
Mark 16:17Ang mga palatandaang ito ay tataglayin ng mga sumasampalataya. Sa aking pangalan sila ay magpapalayas ng mga demonyo. Magsasalita sila sa mga bagong wika.
Luke 6:18Sila ay dumating upang makinig sa kaniya at para gumaling sa kanilang mga karamdaman. Ang mga taong binabagabag ng mga maruming espiritu ay pinagaling din.
John 14:12Tunay nga ang sinasabi ko sa inyo, sinuman ang sumasampalataya sa akin, sa mga gawain na ginagawa ko, gagawin niya rin itong mga ginagawa ko; at gagawa siya ng mas higit na dakilang mga gawain dahil ako ay pupunta sa Ama.
1 Corinthians 12:9Sa iba naman ay binibigay niya ang pananampalataya sa pamamagitan ng iisang Espiritu at sa iba naman ay kaloob na magpagaling sa pamamagitan ng iisang Espiritu.