Acts 6:7
Kaya't lumaganap ang salita ng Diyos, at lubhang dumami ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem; at naging masunurin sa pananampalataya ang malaking bilang ng mga pari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 29:34Ngunit kakaunti ang bilang ng mga pari upang balatan ang lahat ng mga alay na susunugin, kaya tinulungan sila ng mga kapatid nilang mga Levita, hanggang matapos ang gawain, at hanggang sa maitalaga ng mga pari ang kanilang mga sarili kay Yahweh, sapagkat higit na maingat ang mga Levita sa pagtatalaga ng kanilang mga sarili kaysa sa mga pari.
Psalms 132:9Nawa ang iyong mga pari ay madamitan ng katapatan; nawa ang siyang tapat sa iyo ay sumigaw para sa kagalakan.
Matthew 19:30Subalit marami ang nauna ngayon na mahuhuli at marami sa mga nahuhuli ay mauuna.
John 12:42Gayunpaman, maraming mga pinuno ang naniwala kay Jesus, pero dahil sa mga Pariseo, hindi nila inaamin ito upang hindi sila ipagbawal sa sinagoga.
Acts 13:8Ngunit kinalaban sila ni Elimas “ang salamangkero” (ganito isinalin ang kaniyang pangalan); tinangka niyang paikutin ang gobernador na mapalayo mula sa pananampalataya.
Acts 19:20Kaya't ang salita ng Panginoon ay lumaganap sa makapangyarihang paraan.