Acts 7:41
Kaya nang mga araw na iyon sila ay gumawa ng guya at nagdala sila ng mga handog sa mga diyus-diyosan, at nagalak dahil sa ginawa ng kanilang mga kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:2Kaya sinabi ni Aaron sa kanila, “Kunin ninyo ang mga gintong hikaw sa mga tainga ng inyong mga asawa at sa mga tainga ng inyong mga anak na lalaki at sa mga anak na babae at dalhin ang mga ito sa akin.
Deuteronomy 9:12Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tumayo ka, agad na bumaba mula rito, dahil dinungisan ng iyong mga tao na dinala mo palabas ng Ehipto ang kanilang mga sarili. Agad silang lumihis sa landas na aking iniutos sa kanila. Gumawa sila para sa kanilang sarili ng isang hinulmang hugis.'
Psalms 106:19Gumawa sila ng guya sa Horeb at sumamba sa larawang metal.
Isaiah 44:9Silang nagbibigay anyo sa diyus-diyosan ay walang halaga; at ang mga bagay na kanilang kinatutuwaan ay walang saysay; ang kanilang mga saksi ay hindi nakakikita o nakakaalam ng anumang bagay, at sila ay malalagay sa kahihiyan.
Hosea 9:10Sinasabi ni Yahweh, “Nang natagpuan ko ang Israel, tulad ito ng paghahanap ng mga ubas sa ilang. Tulad ng unang bunga sa panahon ng puno ng igos, natagpuan ko ang inyong mga ama. Ngunit nagpunta sila kay Baal Peor, at ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahiya-hiyang diyus-diyosang iyon. Naging kasuklam-suklam sila tulad ng diyus-diyosan na kanilang inibig.
Revelation 9:20Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy—mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad.