Acts 8:27
Siya ay tumayo at umalis. May isang lalaking mula Ethiopia, isang eunoko na may dakilang kapangyarihan mula kay Candace, na reyna ng mga Etiope. Siya ang namamahala sa lahat ng kaniyang kayamanan. Siya ay pumunta sa Jerusalem upang sumamba.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
28Siya ay bumalik at nakaupo sa kaniyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni propeta Isaias.
Cross References
Deuteronomy 30:13Maging ito ay sa ibayo ng dagat, para inyong masabi, 'Sino sa atin ang pupunta sa ibayong dagat para dalhin ito sa atin at marinig natin, at para magawa natin ito?'
1 Kings 10:1Nang mabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon tungkol sa pangalan ni Yahweh, pumunta siya para subukin si Solomon sa pamamagitan ng mga mahihirap na tanong.
Psalms 68:29Ipakita mo ang iyong kapangyarihan mula sa iyong templo sa Jerusalem kung saan nagdadala ng mga kaloob ang mga hari sa iyo.
Psalms 87:4Binanggit ko ang Rahab at Babilonia sa mga tagasunod ko. Masdan ninyo, may Filistia, at Tiro, kasama ang Etiopia. Ang isang ito ay ipinanganak doon.
Isaiah 45:14Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang yaman ng Ehipto, at pangangalakal ng Ethiopia sa mga Sabeo, mga taong matataas ang kalagayan, ay dadalhin sa iyo. Sila ay magiging inyo. Sila ay magsisisunod sa inyo, magsisidating na may mga tanikala. Sila ay magpapatirapa sa iyo, at sila ay makikiusap sa iyo na sinasabing, Tunay na ang Diyos ay nasa iyo, at walang iba liban sa kanya.
Isaiah 60:3Ang mga bansa ay lalapit sa inyong liwanag, at ang mga hari sa inyong maliwanag na ilaw na sumisikat.