Acts 8:39
Nang umahon sila sa tubig, kinuha ng Espiritu ng Panginoon si Felipe at hindi na siya nakita ng eunuko; at siya ay umalis ng may kagalakan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 2:16Sinabi nila sa kaniya, “Tingnan mo, may limampung malalakas na lalaki mula sa iyong mga alipin. Hinihiling namin na ipadala mo sila para hanapin ang iyong panginoon, kung sakali na kinuha siya ng Espiritu ni Yahweh at hinagis sa ilang bundok o ilang lambak.” Sumagot si Eliseo, “Hindi, huwag ninyo silang ipadala.”
Psalms 119:111Inaangkin ko ang mga utos mo sa tipan bilang aking mana magpakailanman, dahil ito ang kagalakan ng aking puso.
Isaiah 55:12Dahil lalabas kayo ng may kagalakan at magpapatuloy ng may kapayapaan; ang mga bundok at mga burol ay mag-uumpisang sumigaw nang may kagalakan sa inyong harapan at lahat ng mga puno sa mga bukirin ay ipapalakpak ang kanilang mga kamay. Sa halip na mga matitinik na halaman, tutubo ang mga luntiang halaman;
Isaiah 66:13Gaya ng pag-aaliw ng isang ina sa kanyang anak, gayun din aaliwin ko kayo, at kayo ay aaliwin sa Jerusalem.
Ezekiel 8:3At inabot niya ang hugis ng isang kamay at dinala ako sa pamamagitan ng buhok ng aking ulo; itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at langit at sa mga pangitain mula sa Diyos, dinala niya ako sa Jerusalem, sa pasukan ng pinakaloob ng hilagang tarangkahan, kung saan nakatayo ang diyus-diyosang pumupukaw ng matinding paninibugho.
Ezekiel 11:24At itinaas ako ng Espiritu at dinala sa Caldea, sa mga binihag, sa pangitain mula sa Espiritu ng Diyos. At ang pangitaing aking nakita ay umakyat mula sa akin.