Acts 9:40
Pinalabas silang lahat ni Pedro sa silid, lumuhod siya at nanalangin; at humarap siya sa katawan at sinabi niya. “Tabitha, bumangon ka.” Minulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro siya ay umupo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 4:32Nang dumating si Eliseo sa bahay, patay na ang bata at nasa higaan pa rin.
Matthew 9:25Noong napalabas na ang mga tao, pumasok siya sa silid at hinawakan niya ito sa kamay at ang batang babae ay bumangon.
Mark 9:25Nang makita ni Jesus ang mga tao na tumatakbo papunta sa kanila, sinaway niya ang masamang espiritu at sinabi, “Ikaw pipi at binging espiritu, inuutusan kita, lumabas ka at huwag nang bumalik pa sa kaniya.”
Luke 22:41Lumayo siya sa kanila sa di-kalayuan, at lumuhod siya at nanalangin,
Acts 7:60Lumuhod siya at tumawag ng may malakas na boses, ''Panginoon, huwag mong ipataw ang kasalanang ito laban sa kanila.” Nang matapos niyang sabihin ito, siya ay nakatulog.
Acts 21:5Nang makapagpalipas kami ng mga araw, umalis kami at nagpatuloy sa paglalakbay. Lahat sila, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ay sinamahan kami sa daan hanggang makalabas kami ng lungsod. Pagkatapos lumuhod kami sa tabing dagat, nanalangin at nagpaalam na sa bawat isa.