Amos 1:5
Babaliin ko ang mga bakal na tarangkahan ng Damasco at tatalunin ang lalaking naninirahan sa Biqat Aven, at maging ang lalaking humahawak sa setro mula sa Beth-eden; ang mga taga-Aram ay mabibihag sa Kir,” sabi ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Magpapadala ako ng apoy sa bahay ni Hazael, at tutupukin nito ang mga tanggulan ng Ben-Hadad.
Cross References
2 Kings 16:9Pagkatapos pinakinggan siya ng hari ng Asiria, at dumating ang hari ng Asiria laban sa Damasco, sinakop ito at ibinilanggo ang kanilang mamamayan sa Kir. Pinaslang din niya si Rezin ang hari ng Aram.
Isaiah 43:14Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang inyong Manunubos, ang Banal ng Israel: “ Dahil sa inyong kapakanan nagsugo ako sa Babilonia at pinangunahan ang pagbagsak nila gaya ng mga pugante, ginawang mga awit ng panaghoy ang kapahayagan ng kasiyahan ng Babilonia.
Jeremiah 51:30Tumigil na sa pakikipagdigma ang mga kawal ng Babilonia, nanatili sila sa kanilang mga tanggulan. Ang kanilang lakas ay nanghina na, sila ay naging mga babae na—ang kaniyang mga tahanan ay tinutupok na ng apoy, at ang mga rehas ng kaniyang tarangkahan ay nasira na.
Ezekiel 30:17Ang mga binata sa Heliopolis at Bubastis ay babagsak sa pamamagitan ng espada at ang kanilang mga lungsod ay mabibihag.
Amos 5:5Huwag hanapin ang Bethel; ni pumasok sa Gilgal, at huwag dumaan sa Beer-seba. Dahil tiyak na bibihagin ang Gilgal, at magdadalamhati ang Bethel.
Nahum 3:13Tingnan mo, ang mga taong kasama mo ay mga babae; maluwang na nabuksan ang mga tarangkahan ng iyong lupain para sa iyong mga kaaway; nilamon ng apoy ang kanilang mga baras.