Amos 3:11
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: “Isang kaaway ang papalibot sa inyong lupain. Ibabagsak ang inyong pinatibay na moog at lolooban ang inyong mga tanggulan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 15:19Pagkatapos si Pul ang hari ng Asiria ay dumating laban sa lupain at nagbigay si Menahem kay Pul ng isang libong talentong pilak, para siya ay tulungan ni Pul na palakasin ang kaharian ng Israel sa kaniyang pangunguna.
2 Kings 17:3Nilusob siya ni Salmaneser hari ng Asiria, at naging lingkod niya si Hosea at nagbigay sa kaniya ng buwis.
2 Chronicles 36:19Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
Isaiah 7:17Si Yahweh ay magbibigay sa inyo, sa bayan ninyo at sambahayan ng iyong ama ng mga mga araw na walang katulad simula nang humiwalay ang Efraim sa Juda—ipasasakop niya kayo sa hari ng Asiria.”
Isaiah 10:5Anong kapighatian ang nakalaan sa mga taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit, ang pamalo ng aking poot!
Hosea 11:5Hindi ba sila babalik sa lupain ng Egipto? Hindi ba mamumuno ang Asiria sa kanila dahil tumanggi silang bumalik sa akin?