Amos 3:15
Wawasakin ko ang bahay na para sa taglamig kasama ang bahay para sa tag-init. Ang mga bahay na gawa sa garing ay mawawala, at ang malalaking mga bahay ay mawawala rin,”—Ito ang pahayag ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 3:20Lumapit sa kaniya si Ehud. Nakaupong mag-isa ang hari, nag-iisa sa katiwasayan ng silid sa itaas. Sinabi ni Ehud, “Mayroon akong mensahe mula sa Diyos para sa iyo.” Tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan.
Psalms 45:8Ang lahat ng iyong kasuotan ay amoy mira, mga sabila at kasia; mula sa mga palasyong gawa sa garing pinasasaya kayo ng mga instrumentong may kwerdas.
Jeremiah 36:22Ngayon, nanatili ang hari sa tahanang pang-taglamig sa ika-siyam na buwan, at isang apuyan na nagniningas sa kaniyang harapan.
Amos 5:11Dahil tinatapakan ninyo ang mahihirap at kinukuha ninyo ang mga bahagi ng trigo mula sa kanila—at kahit na nagtayo kayo ng mga bahay na gawa sa bato, hindi ninyo matitirahan ang mga ito. Mayroon kayong masaganang ubasan, ngunit hindi ninyo maiinom ang mga alak nito.