Amos 5:7
Ang mga taong ginagawang mapait na bagay ang katarungan at itinatapon sa lupa ang katuwiran!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Ye who turn judgment to wormwood, and leave off righteousness in the earth,
In Context
Cross References
Deuteronomy 29:18kung kaya't marapat na wala sinumang sa inyo, lalaki, babae, pamilya, o lipi na ang puso ay tatalikod ngayon mula kay Yahweh na ating Diyos, para sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bansang iyon—kung kaya't marapat na wala sa inyo ang anumang ugat na nagbubunga ng apdo at halamang mapait,
Psalms 125:5Pero para naman sa kanilang mga lumilihis para sa kanilang masasamang pamamaraan, itataboy sila ni Yahweh kasama ang mga gumagawa ng masasama. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.
Isaiah 5:7Dahil ang ubasan ni Yahweh ng mga hukbo ay ang tahanan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ang kaniyang kinasisiyang pananim; naghintay siya ng katarungan, pero sa halip, nagkaroon ng patayan; naghintay siya para sa katuwiran, sa halip, umiiyak na humihingi ng tulong.
Isaiah 10:1Anong kapighatian ang nakalaan sa mga gumagawa nang hindi makatuwirang mga batas at hindi patas na mga tuntunin.
Isaiah 59:13Kami ay nagrebelde, itinatanggi si Yahweh at tumatalikod mula sa pagsunod sa aming Diyos. Kami ay nagsalita ng paniniil at sa paglihis, nag-isip ng reklamo mula sa puso at mga salita ng kasinungalingan.
Ezekiel 18:24Subalit kung ang matuwid na tao ay tumalikod sa kaniyang pagkamakatuwiran at isinagawa ang mga kasuklam-suklam tulad ng lahat ng kasuklam-suklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay ba siya? Lahat ng matuwid na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin kapag ipinagkanulo niya ako sa kaniyang kataksilan. Kaya siya ay mamamatay sa mga kasalanang kaniyang ginawa.