Amos 6:10
Kapag dumating ang kamag-anak ng isang lalaki upang kunin ang kanilang mga bangkay—na magsusunog sa kanilang mga bangkay pagkatapos nitong ilabas sa bahay—kung sasabihin niya sa taong nasa loob ng bahay na, “Mayroon ka bang kasama?” At kapag sumagot ang taong iyon ng, “Wala,” kung gayon, sasabihin niya, “Tumahimik ka, dahil hindi natin dapat banggitin ang pangalan ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9At mangyayari na kung may sampung kalalakihang naiwan sa isang bahay, mamamatay silang lahat.
Cross References
1 Samuel 31:12tumayo ang lahat ng mandirigmang mga kalalakihan at lumakad ng magdamag at kinuha ang katawan ni Saul at ang mga katawan ng kanyang mga anak na lalaki mula sa pader ng Bethsan. Pumunta sila sa Jabesh at doon nila sinunog ang mga ito.
2 Kings 23:16Nang makita ni Josias ang lugar, napansin niya ang mga libingan na nasa gilid ng burol. Ipinadala niya ang mga lalaki para kunin ang mga kalansay mula sa mga libingan; pagkatapos sinunog niya ang mga iyon sa altar, na lumapastangan nito. Ito ay sang-ayon sa salita ni Yahweh na sinabi ng lingkod ng Diyos, ang lalaki na sa simula pa ay nagsabi ng mga bagay na ito.
Jeremiah 44:26Kaya ngayon, pakinggan ang salita ni Yahweh, buong Juda na naninirahan sa lupain ng Egipto, 'Tingnan ninyo, sumumpa ako sa pamamagitan ng aking dakilang pangalan—sabi ni Yahweh. Hindi na muling tatawagin kailanman ang aking pangalan sa pamamagitan ng mga bibig ng kahit na sinumang kalalakihan ng Juda sa buong lupain ng Egipto, kayong mga nagsasabi ngayon, “Sapagkat ang Panginoong si Yahweh ay buhay.”
Ezekiel 24:21'Sabihin mo sa sambahayan ng Israel, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Masdan! Ang kapalaluan ng inyong lakas, ang nais ng inyong mga mata, at ang inyong mga pagnanasa ang dumudungis sa aking santuwaryo! Kaya ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae na inyong iniwan ay babagsak sa pamamagitan ng espada.
Amos 8:3Ang mga awit sa templo ay magiging pagtangis. Sa araw na iyon” —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—”Magiging marami ang mga bangkay, sa bawat lugar itatapon nila ang mga ito sa katahimikan!”