The Bible Software
bible.softwareAmosAmos 6 › Amos 6:4

Amos 6:4

Humihiga sila sa mga higaang gawa sa garing at nagpapahinga sa kanilang mga malalambot na upuan. Kinakain nila ang mga batang tupa mula sa kawan at mga pinatabang guya mula sa kuwadra.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

That lie upon beds of ivory, and stretch themselves upon their couches, and eat the lambs out of the flock, and the calves out of the midst of the stall;

In Context

3Aba sa inyong nagpapaliban ng araw ng kapahamakan at naglalapit sa trono ng karahasan.

5Umaawit sila ng mga walang kabuluhang mga awitin sa tugtugin ng alpa; gumagawa sila ng mga pansarili nilang instrumento gaya ng ginawa ni David.

Read all of Amos 6

Cross References

1 Samuel 25:36Bumalik si Abigail kay Nabal; masdan mo, siya ay nagdadaos ng isang pagdiriwang sa kanyang bahay, tulad ng pagdiriwang ng isang hari; at maligaya ang puso ni Nabal sa kalooban niya, dahil lasing na lasing siya. Kaya hindi niya sinabi ang lahat hanggang sa magbukang-liwayway.

Isaiah 5:11Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan!

Isaiah 22:13Pero tingnan ninyo, sa halip na magdiwang at magalak, magkatay ng baka at magpakatay ng tupa, kumain ng karne at uminom ng alak; tayo ay kumain at uminon, dahil bukas ay mamamatay na tayo.

Ezekiel 34:2“Anak ng tao, magpahayag ka laban sa mga pastol ng Israel! Magpahayag ka at sabihin sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga pastol. Sa Aba ng mga pastol ng Israel na ipinapastol ang kanilang mga sarili! Hindi ba ang mga pastol dapat ang magbabantay sa kawan?

Luke 12:19Sasabihin ko sa aking kaluluwa, “Kaluluwa, marami kang mga ari-arian na naitago sa maraming taon. Magpahinga ng mabuti, kumain, uminom, at magpakasaya.'”

Romans 13:13Lumakad tayo nang nararapat, gaya ng sa liwanag, hindi sa magulong pagdiriwang o sa paglalasing. At huwag tayong mamuhay sa kahalayan o sa pagnanasang walang pagpipigil, at hindi sa alitan o pagkainggit.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Amos 6:4

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Amos 6:3Amos 6Amos 6:5 →