Amos 6:7
Kaya dadalhin silang bihag ngayon kasama ng mga naunang bihag, at ang mga pista ng mga nagpapahinga ay lilipas na.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 20:16Sila ay umalis ng tanghaling tapat. Si Ben Hadad ay umiinom at lasing sa loob ng kaniyang tolda, siya at ang tatlongput dalawang mas mababang mga hari na tumutulong sa kaniya.
Esther 5:12Sinabi ni Haman, “Kahit si Reyna Esther ay walang ibang inimbita na pumunta maliban sa akin kasama ng hari sa handaan na kanyang inihanda. Kahit bukas muli niya akong inimbitahan kasama ang hari.
Esther 7:8Pagkatapos bumalik ang hari mula sa hardin ng palasyo patungo sa silid kung saan isinilbi ang alak. Kababagsak lamang ni Haman sa upuang kinaroroonan ni Esther. Sinabi ng hari, “Pagsasamantalahan ba niya ang reyna sa aking harapan sa sarili ko pang pamamahay?” Pagkalabas mismo ng mga salitang ito mula sa bibig ng hari, tinakpan ng mga lingkod ang mukha ni Haman.
Isaiah 24:8Huminto ang masayang tunog ng mga tamburin, at ang maingay at magulong pagsasaya ng mga nagdidiwang; ang kagalakan ng mga lira ay naglalaho.
Amos 4:3Makakalabas kayo sa mga nasirang pader ng lungsod, bawat isa na magpapatuloy palabas dito, at kayo ay itatapon sa Harmon—ito ang pahayag ni Yahweh.”
Amos 5:27Kaya ipabibihag ko kayo sa kabila ng Damasco,” sabi ni Yahweh, na ang pangalan ay ang Diyos ng mga hukbo.