Amos 7:14
Pagkatapos sinabi ni Amos kay Amazias, “Hindi ako isang propeta o anak ng isang propeta. Isa akong pastol, at ako ang nangangalaga sa mga puno ng sikamoro.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 19:19Kaya umalis si Elias mula roon at natagpuan si Eliseo anak na lalaki ni Shafat, na nag-aararo ng labindalawang pamatok na mga baka sa kaniyang harapan, at siya ang nag-aararo sa ika-labindalawang pamatok. Lumakad si Elias papalapit kay Eliseo at binalot ang dulo ng kaniyang balabal sa kaniya.
2 Kings 2:3Pumunta ang mga anak ng mga propeta na nasa Bethel kay Eliseo at sinabi sa kaniya, “Alam mo ba na kukunin ni Yahweh ang panginoon mo ngayong araw na ito?” Sumagot si Eliseo, “Oo, alam ko, pero huwag ninyo ng banggitin iyon.”
2 Kings 2:7Kinalaunan, limampung anak ng mga propeta ang tumayo sa harap ng dalawa habang nakatayo sa kabilang dako ng Jordan.
2 Kings 4:38Pagkatapos pumunta muli si Eliseo sa Gilgal. Mayroong taggutom doon sa lupain, at umupo sa kaniyang tabi ang mga anak ng mga propeta. Sinabi niya sa mga alipin, “Ilagay ninyo ang malaking palayok sa apoy at magluto ng nilaga para sa mga anak ng mga propeta.”
2 Chronicles 16:7Sa panahong iyon, pumunta ang manghuhulang si Hanani kay Asa, ang hari ng Juda at sinabi sa kaniya, “Dahil umasa ka sa hari ng Aram at hindi ka umasa kay Yahweh na iyong Diyos, ang hukbo ng hari ng Aram ay nakatakas mula sa iyong mga kamay.
2 Chronicles 20:34Para sa iba pang mga bagay tungkol kay Jehoshafat, mula una at hanggang sa huli, tingnan, nakasulat ito sa kasaysayan ni Jehu na lalaking anak ni Hanani, na nakatala sa Aklat ng mga Hari ng Israel.