Amos 7:17
Samakatwid ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Ang iyong asawa ay magiging babaing nagbebenta ng aliw sa lungsod; mamamatay sa pamamagitan ng espada ang iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae; susukatin ang iyong mga lupain at paghahati-hatian; mamamatay ka sa maruming lupain, at tiyak na dadalhin sa pagkabihag ang Israel mula sa kaniyang lupain.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 17:6Sa ika-siyam na taon ni Hosea, sinakop ng hari ng Asiria ang Samaria at dinalang bihag ang Israel sa Asiria. Dinala niya sila sa Hala, sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes.
Isaiah 13:16Dudurugin din ng pira-piraso ang kanilang mga anak sa kanilang harapan. Nanakawan ang kanilang mga bahay at huhulihin ang kanilang mga asawa at sisipingan.
Jeremiah 20:6Ngunit ikaw Pashur at ang lahat ng naninirahan sa iyong tahanan ay mabibihag. Pupunta ka sa Babilonia at mamamatay doon. Ikaw at ang lahat ng iyong minamahal na siyang pinagpahayagan mo ng mapanlinlang na mga bagay ay maililibing doon'”.
Jeremiah 28:16Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo palalayasin na kita sa mundong ito. Mamamatay ka sa taon na ito, yamang ipinahayag mo ang paghihimagsik laban kay Yahweh.”
Jeremiah 29:25'Si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito: Dahil nagpadala ka ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa lahat ng mga tao sa Jerusalem, kay Zefanias na anak ni Maasias na pari, at sa lahat ng mga pari at sinabi,
Jeremiah 29:32samakatuwid ito ang sinasabi ni Yahweh. Tingnan ninyo, parurusahan ko si Semaias na Nehelamita at ang kaniyang mga kaapu-apuhan. Hindi magkakaroon ng isang tao para sa kaniya upang manatili sa gitna ng mga taong ito. Hindi niya makikita ang kabutihang gagawin ko para sa aking mga tao, sapagkat ipinahayag niya ang kawalan ng pananampalataya laban sa akin, si Yahweh.” Ito ang pahayag ni Yahweh.