Amos 9:8
Tingnan, ang mga mata ng Panginoong Yahweh ay nakatingin sa makasalanang kaharian, at wawasakin ko ito mula sa ibabaw ng lupa, maliban sa sambahayan ni Jacob hindi ko ito lubusang wawasakin — “Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 7:4Pagkalipas ng pitong araw idudulot kong umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Lilipulin ko mula sa ibabaw ng lupa ang bawat buhay na nilalang na aking ginawa.”
Deuteronomy 6:15dahil si Yahweh na nasa kalagitnaan ninyo ay isang mapanibughuing Diyos —baka ang galit ni Yahweh na inyong Diyos ay magpaningas laban sa inyo at wasakin kayo mula sa ibabaw ng mundo.
Psalms 11:4Si Yahweh ay nasa kaniyang banal na templo; ang kaniyang mga mata ay nagmamasid, sinusuri ng kaniyang mga mata ang mga anak ng mga tao.
Proverbs 15:3Ang mga mata ni Yahweh ay nasa lahat ng dako, patuloy na nagmamasid sa masama at mabuti.
Jeremiah 5:10Akyatin ninyo ang bakuran ng kaniyang mga ubasan at wasakin. Ngunit huwag silang lubusang wasakin. Putulin ang kanilang mga puno ng ubas, sapagkat ang mga puno ng ubas na iyon ay hindi galing kay Yahweh.
Jeremiah 31:35Ito ang sinasabi ni Yahweh. Si Yahweh ang nagdudulot sa araw upang magliwanag sa umaga at umaayos sa buwan at sa mga bituin upang magliwanag sa gabi. Siya ang nagpapagalaw ng dagat upang ang alon nito ay dadagundong. Yahweh, ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Ito ang sinasabi niya,