Daniel 1:2
Binigyan ng Panginoon si Nebucadnezar ng katagumpayan laban kay Jehoiakim na hari ng Juda at ibinigay sa kaniya ang ilan sa mga sagradong bagay mula sa tahanan ng Diyos. Dinala niya ang mga ito sa lupain ng Babilonia, sa tahanan ng kaniyang diyos at inilagay ang sagradong mga bagay sa kabang-yaman ng kaniyang diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 11:2Sa kanilang paglalakbay sa silangan, nakatagpo sila ng isang kapatagan sa lupain ng Shinar at doon sila nanirahan.
Deuteronomy 32:30Paano ba hahabulin ng isa ang isang libo, at papaliparin ng dalawa ang sampung libo, maliban kung ipinagbili sila ng kanilang Bato, at isinuko sila ni Yahweh?
Judges 3:8Kaya ang galit ni Yahweh ay nag-alab sa Israel, at sila'y ipinagbili niya sa kamay ni Cushanrishataim ang hari ng Aram Naharaim. Naglingkod nang walong taon ang bayan ng Israel kay Cushan Rishathaim.
Judges 16:23Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Palestina para mag-alay ng dakilang handog para kay Dagon na kanilang diyos, at para magsaya. Sinabi nila, “Natalo ng ating diyos si Samson, ang ating kaaway at inilagay siya sa ating pamamahala.
1 Samuel 31:9Pinutol nila ang kanyang ulo at tinanggal ang kanyang mga pananggang baluti, at nagpadala ng mga mensahero sa lupain ng mga Filisteo sa lahat ng dako upang dalhin ang balita sa kanilang diyus-diyosan sa templo at sa mga tao.
2 Chronicles 36:7Dinala rin ni Nebucadnezar ang ilan sa mga bagay sa tahanan ni Yahweh sa Babilonia at inilagay ang mga iyon sa kaniyang palasyo sa Babilonia.