Daniel 10:3
Hindi ako kumain ng masasarap na pagkain, hindi ako kumain ng karne, hindi ako uminom ng alak, at hindi ko pinahiran ng langis ang aking sarili hanggang sa matapos ang buong tatlong linggo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Sa mga araw na iyon akong si Daniel ay tumatangis ng tatlong linggo.
Cross References
Job 33:20para mapoot ang kaniyang buhay sa pagkain, at mapoot ang kaniyang kaluluwa sa masasarap na pagkain.
Daniel 6:18Pagkatapos, pumunta ang hari sa kaniyang palasyo at magdamag siyang nag-ayuno. Walang mang-aaliw na dinala sa harapan niya at hindi siya nakatulog.
Amos 5:11Dahil tinatapakan ninyo ang mahihirap at kinukuha ninyo ang mga bahagi ng trigo mula sa kanila—at kahit na nagtayo kayo ng mga bahay na gawa sa bato, hindi ninyo matitirahan ang mga ito. Mayroon kayong masaganang ubasan, ngunit hindi ninyo maiinom ang mga alak nito.
Matthew 6:17Ngunit ikaw, kung mag-aayuno ka, lagyan mo ng langis ang iyong ulo at maghilamos ka.