bible.software › Daniel › Daniel 11 › Daniel 11:25
Daniel 11:25
Palalakasin niya ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang tapang laban sa hari ng Timog taglay ang isang malaking hukbo. Magsisimula ng digmaan ang hari ng Timog kasama ang makapangyarihang hukbo, ngunit hindi siya makakatayo dahil sa dami ng banta laban sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And he shall stir up his power and his courage against the king of the south with a great army; and the king of the south shall be stirred up to battle with a very great and mighty army; but he shall not stand: for they shall forecast devices against him.
In Context
24Pupunta siya sa mga pinakamayayamang lalawigan nang walang pasabi at gagawin niya ang mga bagay na hindi man lamang ginawa ng kaniyang ama ni ginawa ng ama ng kaniyang ama— na ikakalat sa kaniyang mga tagasunod ang mga nasamsam, ang mga ninakaw at ang kayamanan. Balak niyang alisin ang pinagtibay na tanggulan, ngunit sa sandaling panahon lamang.
26Maging ang mga kasama ng haring kumakain sa hapag-kainan ay susubukan siyang wasakin. Tatangayin ng agos ang kaniyang mga hukbo tulad ng baha at marami sa kanila ang papatayin.
Read all of Daniel 11
Cross References
Proverbs 28:25Ang taong sakim ay lumilikha nang away, ngunit ang isa na nagtitiwala kay Yahweh ay magtatagumpay.
Daniel 11:10Magsisimula ng digmaan ang kaniyang mga anak na lalaki at magtitipon ng isang malaking hukbong patuloy na darating at aapaw na tulad ng isang baha, makakapasok at muling sasalakay hanggang sa kaniyang tanggulan.
This Verse In Other Editions
Study Daniel 11:25