Daniel 11:30
Sapagkat darating ang mga barko ng Kitim laban sa kaniya at mawawalan siya ng pag-asa at babalik. Sisiklab ang galit niya laban sa banal na tipan at masisiyahan siya sa mga taong sumasalungat sa banal na tipan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 24:24Darating ang mga barko mula sa baybayin ng Kitim; Sasalakayin nila ang Asiria at sasakupin ang Eber, ngunit sila rin ay hahantong sa pagkawasak sa katapusan.”
Nehemiah 6:12Napag-isip-isip ko na hindi ang Diyos ang nagpadala sa kanya, kundi nagpropesiya siya laban sa akin. Binayaran siya nina Tobias at Sanbalat.
Isaiah 23:12Sinabi niya, “Hindi ka na muling makapagdiriwang, pinahirapang birheng dalagang anak ng Sidon; bumangon ka, dumaan ka sa Sayprus; pero kahit doon ay wala kang kapahingahan.”
Ezekiel 27:6Ginawa nila ang iyong mga sagwan mula sa mga owk mula sa Bashan; ginawa nila ang iyong mga palapag mula sa kahoy na galing sa Cyprus at pinalamutian nila ito ng garing.
Daniel 11:28At babalik ang hari ng Hilaga sa kaniyang lupain na may maraming kayamanan, ngunit lalabag ang kaniyang puso laban sa banal na tipan. Gagawin niya ang kaniyang ninanais at babalik siya sa kaniyang sariling lupain.
Revelation 12:12Kaya, magalak, kayong mga langit, at lahat ng naninirahan sa kanila. Pero kaawa-awa ang nasa lupa at ang nasa dagat dahil ang demonyo ay bumaba sa inyo. Napuno siya ng nakasisindak na galit, dahil alam niya na kakaunti lamang ang kaniyang oras.