Daniel 12:1
“Sa panahong iyon, tatayo si Miguel, ang dakilang prinsipe na nagbabantay sa iyong mga kababayan. Magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa nararanasan kailanman magmula nang nagkaroon ng anumang bansa hanggang sa panahong iyon. Sa panahong iyon, maililigtas ang iyong mga kababayan, ang lahat ng pangalang matatagpuang nakasulat sa aklat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:32Pero ngayon, pakiusap patawarin mo ang kanilang kasalanan; pero kung hindi ninyo gagawin, pawiin mo ako sa aklat na iyong isinulat.”
Psalms 69:28Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Isaiah 26:20Aking bayan, pumasok sa inyong mga silid at isara ang pinto; panandaliang magtago, hanggang ang galit ay lumipas na.
Jeremiah 30:7Aba! Sapagkat magiging dakila at walang katulad ang araw na ito. Ito ay magiging panahon ng pagkabalisa para kay Jacob, ngunit maliligtas siya mula rito.
Ezekiel 13:9Magiging kalaban ng aking kamay ang mga propetang may mga pangitaing kasinungalingan at gumagawa ng mga panghuhulang hindi totoo. Hindi sila mapapabilang sa pagtitipon ng aking mga tao o maitatala sa talaan ng sambahayan ng Israel, hindi sila dapat makapunta sa lupain ng Israel. Sapagkat malalaman ninyo na Ako ang Panginoong Yahweh!