Daniel 12:10
Marami ang dadalisayin, lilinisin at lilinangin ngunit ang mga masasama ay magpapakasama. Wala ni isa sa mga masasama ang makakaunawa, ngunit ang mga marurunong ay makakaunawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 51:7Dalisayin mo ako ng isopo, at ako ay magiging malinis; hugasan mo ako at magiging mas maputi ako kaysa niyebe.
Proverbs 1:5Hayaan ang mga matatalinong tao na makinig at dagdagan ang kanilang nalalaman, at hayaan ang mga nakakaintinding tao na makakuha ng patnubay,
Isaiah 1:18“Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana.
Ezekiel 36:25Pagkatapos ay wiwisikan ko kayo ng dalisay na tubig upang maging dalisay kayo mula sa lahat ng inyong karumihan. At dadalisayin ko kayo mula sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan.
Daniel 11:33Magbibigay nang pang-unawa sa marami ang mga matatalinong tao. Ngunit sa loob ng ilang araw ay mamamatay sila sa espada at sa apoy, bibihagin sila bilang mga bilanggo at nanakawin ang kanilang mga pag-aari.
Daniel 12:3Ang mga marurunong ay magliliwanag tulad ng liwanag ng kalangitan sa kaitaasan at ang mga nakapagpanumbalik ng marami sa katuwiran ay tulad ng mga bituin magpakailanman.