Daniel 2:30
Para sa akin, hindi maihahayag ang lihim na ito sa akin dahil sa anumang karunungan na mayroon ako higit pa sa kahit sinong nabubuhay na tao. Inihayag ang lihim na ito sa akin upang ikaw na hari ay maaaring maunawaan ang kahulugan nito at upang maaari mong malaman ang mga pag-iisip na nasa iyong kalooban.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:16Sinagot ni Jose si Paraon, sinabing, “Hindi ito nasa akin. Ang Diyos ang sasagot kay Paraon na may kagandahang loob.”
Isaiah 45:4Para sa kapakanan ni Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili, tinawag kita sa iyong pangalan: bibigyan ka ng isang pangalan na may karangalan, kahit hindi mo ako kinilala.
Daniel 2:17Pagkatapos, pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at ipinaliwanag niya kay Hananias, Misael, at Azarias kung ano ang nangyari.
Amos 4:13Kaya, tingnan ninyo, ang bumuo sa mga bundok pati na rin ang lumikha ng hangin, nagpahayag ng kaniyang kaisipan sa sangkatauhan, ang nagpapadilim ng umaga, at tumutungtong sa mga matataas na lugar sa Lupa.” Ang kaniyang pangalan ay Yahweh, Diyos ng mga hukbo.
Mark 13:20Maliban na lang kung paiksiin ng Panginoon ang mga araw, walang sinuman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang na mga pinili niya, paiiksiin niya ang bilang ng mga araw.
Romans 8:28Nalalaman natin na sa mga nagmamahal sa Diyos, sa lahat ng bagay gumagawa siya para sa ikabubuti, ng mga tinawag ayon sa kaniyang layunin.