Daniel 3:1
Gumawa ng isang gintong imahen si Nebucadnezar na animnapung siko ang taas at anim na siko ang lapad. Ipinatayo niya ito sa Kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:2Kaya sinabi ni Aaron sa kanila, “Kunin ninyo ang mga gintong hikaw sa mga tainga ng inyong mga asawa at sa mga tainga ng inyong mga anak na lalaki at sa mga anak na babae at dalhin ang mga ito sa akin.
Deuteronomy 7:25Susunugin ninyo ang mga inukit na hugis ng kanilang diyos; huwag ninyong naisin ang pilak o ginto na nakabalot dito na gusto ninyong makuha para sa inyong sarili, at mabibitag kayo sa pamamagitan nito; dahil kamuhi-muhi ito kay Yahweh na inyong Diyos.
1 Kings 12:28Kaya naghanap ng payo si Haring Jeroboam at gumawa ng dalawang guyang ginto; sinabi niya sa mga tao, “Labis-labis ito para sa inyo na umakyat sa Jerusalem. Masdan ninyo, ito ang inyong mga diyos bayang Israel, na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto.
Esther 1:1Sa mga araw ni Assuero (ito ang Assuero na naghari mula India hanggang sa Ethiopia, mahigit 127 lalawigan),
Psalms 135:15Ang mga bansa ng mga diyos-diyosan ay pilak at ginto, gawa sa kamay ng mga tao.
Isaiah 30:22Lalapastanganin ninyo ang inyong mga inukit na imahe na nababalutan ng pilak at ang inyong mga pigurang hinulma sa ginto. Itatapon ninyo ang mga iyon tulad ng isang pasador. Sasabihin ninyo sa kanila, “Umalis kayo dito.”