Daniel 3:17
Kung mayroon mang sagot, ito ay ang aming Diyos na aming pinaglilingkuran ang may kakayahan na magligtas sa amin mula sa naglalagablab na pugon at ililigtas niya kami mula sa inyong mga kamay, o hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:14Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki.
1 Samuel 17:46Ngayon, bibigyan ako ni Yahweh ng tagumpay laban sa iyo, at papatayin kita at aalisin ang iyong ulo mula sa iyong katawan. Ngayon ibibigay ko ang mga patay na katawan ng hukbong Filisteo sa mga ibon ng kalangitan at sa mababangis na mga hayop ng mundo, upang malaman ng lahat ng mundo na may Diyos ang Israel,
Job 34:29Kapag siya ay nanatiling tahimik, sino ang maaring magparatang sa kaniya? Kung itatago niya ang kaniyang mukha, sino ang maaring makakakilala sa kaniya? Namamahala siya sa lahat ng bansa at bawat tao,
Psalms 27:1Si Yahweh ang aking liwanag at aking kaligtasan; kanino ako matatakot? Si Yahweh ang kanlungan ng aking buhay; kanino ako mangangamba?
Psalms 62:1Sa Diyos lamang ako naghihintay nang tahimik; magmumula sa kaniya ang aking kaligtasan.
Psalms 115:3Ang aming Diyos ay nasa langit; ginagawa niya ang kaniyang maibigan.